Bumababa na ang bilang ng mga COVID-19 patients na ginagamot sa mga pribadong ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Rene Jose de Grano, halos 95% ng kaso ay asymptomatic o mild na lamang na hindi na kinakailangang i-admit sa mga ospital.
Gayunman, tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Region 4, Visayas at mga lalawigan ng Davao, Cotabato, Cagayan at Santiago City.
Aniya posibleng dahil ito sa kawalan ng government at isolation facilities.
Dagdag pa ni De Grano, hindi rin naman nila magawang itaas sa 30% ang kapasidad ng kanilang COVID facilities dahil sa kakulangan ng mga health workers na magbabantay sa karagdagang kama.
Facebook Comments