Bilang ng mga COVID patient na naka-admit sa PGH, bumaba na sa higit 200

39

Bumaba na sa 271 ang bilang ng mga naka-admit na pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa nasabing bilang, 270 dito ay kumpirmadong kaso ng virus habang ang isa ay hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.


Nasa 1,466 ang naitalang nasawing pasyenteng may COVID-19 sa PGH habang pumalo sa 4,831 ang nakarekober sa sakit.

Umaabot naman sa 6,606 ang kabuuang bilang ng mga na-admit na COVID patient sa PGH mula noong February 2020.

Samantala, nananawagan ang PGH sa mga nais magboluntaryong mag-donate ng dugo.

Ito’y dahil sa nasa critical level na ang suplay na dugo ng PGH.



Sa mga nais mag-donate, maaaring makipag-ugnayan sa UP-PGH Blood Bank sa numerong 8554-84-00 local 3214 o sa cellphone number na 0947-4523667 at 0947-4882817.

Bukas ang blood donor center mula Lunes hanggang Linggo, maging sa Holiday kung saan hinihimok ang mga nais mag-donate na bisitahin ang official Facebook page ng PGH para malaman din ang proseso sa online scheduling.


Facebook Comments