Bilang ng mga COVID patient na naka-admit sa PGH, mas mababa na sa 200

Mas mababa na sa 200 ang naitalang bilang ng mga naka-admit na pasyenteng may COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa datos na inilabas ng PGH, nasa 197 na payente na lamang ang nananatili sa kanilang mga COVID wards.

Sa nasabing bilang, 196 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri ng isa nilang pasyente.


Nadagdagan naman ng lima ang nasawi kung kaya’t umaabot na ang bilang nito sa 1,608.

Umaabot naman sa 5,187 ang bilang ng mga nakarekober at nakalabas na rin ng PGH.

Sa kabuuan, pumalo sa 7,031 ang kabuuang bilang ng mga na-admit na pasyente sa PGH mula noong February 2020.

Handa naman na ang PGH sa gagawing unang phase ng pagbabakuna para mga batang edad 12-17 taong gulang na may comorbidities o “Pediatric A3” kasabay ng pito pang hospital sa Metro Manila.

Facebook Comments