Bilang ng mga COVID patient sa PGH, bumaba na

Umaabot na lamang sa 270 ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa inilabas na datos ng PGH, 269 sa mga nasabing pasyente ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus habang ang isa ay hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.

Base pa sa datos, nasa 1,319 na rin ang naitalang nasawing pasyenteng may COVID-19 sa PGH habang 4,492 naman ang nakarekober sa sakit.


Sa kabuuan, nasa 6,115 ang naitalang bilang ng mg pasyenteng nahawaan ng sakit na na-admit sa PGH.

Matatandaan na pumalo sa halos 300 ang naitalang bilang ng pasyenteng positibo sa COVID-19 noong isang linggo kung saan umaasa ang pamunuan ng PGH na mas bababa pa ang bilang nito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments