
Posibleng pumalo sa 600,000 hanggang isang milyon ang bilang ng mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa Manila South Cemetery ngayong Undas 2025.
Sa ekslusibong panayam ng RMN Manila sa Officer in Charge ng Manila South Cemetery na si Johnmark Mendez, inaasahan na nila ang ganitong karaming dalaw dahil na rin sa natapat ng weekend ang November 1 at may holiday pa bago ang mismong araw.
Para sa kaligtasan ng lahat, nakahanda na rin ang “tagging system” na isusuot hindi lang ng mga bata at kung hindi pati mga senior citizen para kapag may nawala o naligaw sa loob ng sementeryo ay madaling mahahanap dahil kailangang ilagay ang number at pangalan bago makapasok, bukod pa live streaming nila sa LED wall para ma-monitor ang sitwasyon sa loob ng sementeryo sa tulong na rin ng mga CCTV.
Samantala, simula ngayong araw bawal na pumasok ang anumang uri ng sasakyan kabilang na ang motorsiklo at bisikleta.
Aabot naman sa 1,000 na Pulisya ang naka-deploy sa naturang sementeryo at nakahanda na rin ang libreng sakay sa loob para sa magtutungo sa mga puntod na nasa malayo nakalibing.









