Tumaas ng halos walong porsyento ang bilang ng mga dayuhang bumisita sa bansa sa unang quarter ng 2019.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tumaas ng 7.6 percent o 2.2 milyon bilang ng mga foreign tourist sa Pilipinas mula Enero hanggang Marso.
Mas mataas aniya ito sa naitalang 2.05 milyon dayuhang turista sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Nanguna sa listahan ng mga dayuhang turista sa Pilipinas ay ang mga taga-South Korea, China, Estados Unidos, Japan at Australia.
Positibo naman ang Department of Tourism o DOT na maabot ang target na 8.2 milyon turista sa pagtatapos ng 2019.
Facebook Comments