Bilang ng mga dayuhang hinarang ng BI na makapasok sa bansa sa taong 2019, pumalo sa halos 8,000

Umabot sa halos walong libong mga dayuhan ang pinigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa Sa taong 2019 dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Ayon sa BI, ito ang pinakamalaking bilang ng mga naharang na dayuhan sa kasaysayan ng Immigration kung saan 65 percent na mas mataas ito sa 4,679 noong 2018.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga naharang na dayuhan y bagsak sa primary at secondary inspection dahil sa mga kuwestyunableng dokumento.


Pinakamaraming naharang ay Chinese na umabot sa 3,527, sinundan naman ng 488 Vietnamese, 380 Indians, 329 Indonesians, at 255 Malaysians.

Facebook Comments