Umabot na sa 12 doktor ang namatay dahil sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Medical Association (PMA).
Ayon kay PDA Commission on Legislation Chairperson, Dr. Oscar Tinio, umaasa silang hindi na ito madagdagan pa.
Aniya, nasa limang porsyento ng kabuoang health workers sa bansa ang posibleng naka-quarantine dahil sa likas ng kanilang trabaho na direktang nakikipaglaban sa sakit.
Sinabi ni tinio na ang door-to-patient ratio sa ngayon ay nasa 1:40,000 o sa kada isang doktor ay mayroong 40,000 pasyente, malayo sa 1:10,000.
Hindi rin sapat ang bilang ng nurse sa bansa, at over-concentrated sa metro manila ang mga doktor kung saan ang ilang remote areas ay nangangailangan ng kanilang serbisyo.
Panawagan ngayon ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President, Dr. Rustico Jimenez, na mabigyan ng sapat na supply ng Personal Protective Equipment (PPE) sa mga hospital para maprotektahan ang mga health workers mula sa virus.