Sa patuloy na isinasagawang mga programa at interbensyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa mga lugar sa lalawigan ay patuloy ding nadadagdagan ang mga barangay na itinatalaga bilang drug cleared status.
Base sa pinakahuling monitong ng PDEA Pangasinan, simula ng kanilang kampanya noong taong 2017 hanggang sa kasalukuyan partikular na itong ika-21 ng Setyembre 2023 ay pumalo na sa 1,133 na barangays sa lalawigan ang idineklarang ‘drug-cleared’ ng ahensya mula sa kabuuang bilang ng mga barangay sa lalawigan na nasa 1,364 na barangay.
Mula sa datos ay 1,272 dito ang napag-alamang apektado ng iligal na droga kung saan nasa 139 na lamang na barangay ang natitirang lugar na apektado ng droga.
Ayon naman kay kay PDEA Pangasinan Provincial Director Rechie Camacho na ang dahilan ng hindi pa kayang ideklara ang natitirang barangay ay dahil sa kawalan ng tinatawag na Balay Silangan Reformation Center Facility para sa mga indibidwal na nasangkot sa iligal na droga ngunit gustong magbagong buhay.
Tinukoy naman ng opisyal na ang mga lugar ng Dagupan City, Binmaley, San Carlos City, Bani, Pozorrubio at Manaoag ay marami pa rin dito ang masasabing apektado pa ring ng iligal na droga. |ifmnews
Facebook Comments