MANILA – Ibinida ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa isang milyong drug surrenderees sa buong bansa.Sa huling tala ng PNP, halos 1.3 million na ang sumukong sangkot sa ilegal na droga kung saan isang milyong indibidwal ang sumuko sa ilalim ng oplan tokhang habang nasa higit 45,000 ang kanilang naaresto.Mahigit dalawang libong drug suspects naman ang kanilang napatay sa lehitimong police operations.Nasa 70,000 naman ang nasa kulungan habang nasa 54 naman ang isinailalim sa counselling ng Department of Social Welfare and Development (dswd).Idinagdag din ng pnp sa kanilang bilang ang nasa 147,000 na naaresto at napatay sa ilalim ng dating administrasyong Aquino mula 2010 hanggang June 30, 2016 kahit hindi sakop sa petsa ng kanilang pagbibilangAyon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, na nakamit nila ang target bago matapos ang taon. Pero iginiit ni Dela Rosa, hindi tugma ang 1.8 million na basehan ng PNP na bilang ng mga drug personalities sa bansa sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tatlo hanggang apat na milyong drug addicts sa bansa.Asahan pa aniya ang maigting na kampanya laban sa droga sa 2017 kung saan tutukan din ang paglilinis sa kanilang hanay.
Bilang Ng Mga Drug Surrenderees, Umabot Na Sa Isang Milyon – Pnp
Facebook Comments