
Sa huling tala na ibinigay ng Philippine Military Academy (PMA), nasa humigit-kumulang 4,200 katao ang dumalo sa PMA Alumni Homecoming 2026 na ginanap sa Fajardo Grandstand, Fort Del Pilar sa Baguio City ngayong araw.
Sa bilang na ito, mahigit 1,700 ang mga alumni ng PMA mula sa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, at Philippine National Police (PNP).
Mula 1906 hanggang 2025, umabot na sa kabuuang 12,107 ang mga nagtapos sa PMA.
Kaugnay nito, naitala rin ang pinakamatandang cavalier na may edad na 92 taong gulang mula sa Batch 1956 at nag-iisang alumni na dumalo sa kanyang batch ngayong araw.
Samantala, ang pinakabata naman ay 21 taong gulang mula sa Batch 2025, na dinaluhan ng 83 PMA alumni.
Facebook Comments










