Pumalo na sa higit 14 milyon ang kasalukuyang bilang ng mga enrollees para sa school year 2021-2022.
Ayon sa Department of Education, 14, 787, 763 ang enrolled na sa formal basic education habang nasa 130,149 naman ang sa Alternative Learning System (ALS).
Sa nasabing bilang, 10, 230, 436 ang nakapagpatala sa mga public at private schools sa bansa kabilang ang State Universities and Colleges (SUCS)/ Local Universities and Colleges (LUCs) na may basic education program.
Habang 4, 557, 327 ang bilang ng mga estudyanteng lumahok sa early registration ng Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners na isinagawa noong Marso hanggang Mayo.
Batay sa huling tala, Region IV-A o CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng enrollees na sinundan ng National Capital Region (NCR) at Region 3 o Central Luzon.