Umabot na sa seven hundred fifty six thousand ang mga nagpa-enrol mula kinder hanggang grade twelve sa rehiyon para sa nalalapit na balik eskwela, ayon yan sa tala ng Department of Education Region 1.
Ang inaasahang bilang ng DEPED region 1 na kumpletong bilang ng mga magpapa-enroll para sa school year 2023-2024 ay nasa bilang na 1.3 million.
Panigurado kasing sa huling linggo bago mag-umpisa ang pasukan ay magsisidatingan ang bulto pa ng mga estudyanteng late na magpapa-enrol kaya naman hinihikayat na ng ahensya ang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak ng mas maaga at huwag nang makisabay sa huling linggo ng pagpapa-enroll nang sa gayon ay mapagtuunan ng DEPED ang mga pangangailangan ng mga estudyante bago pa lamang magsimula ang klase.
Samantala, may mga volunteers naman na lumilibot sa ilang mga paaralan para tumulong na makapag-ayos ng mga gagamitin sa pasukan gaya ng pagpipintura ng mga kwarto at mga silya.
Handang handa na rin ang deployment plan ng Police Regional Office 1 para sa unang araw ng pasukan kung saan magtatalaga ng tig-isang pulis kada paaralan lalo na sa mga may malapit sa national highway nang sa gayon ay mabigyan ng seguridad at kaligtasan ng mga batang magbabalik eskwela. |ifmnews
Facebook Comments