Bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na nabakunahan kontra COVID-19, halos 2-M na ayon sa CHED

Ipinagmalaki ni Commission on Higher Education (CHED) Prospero de Vera ang napakabilis na vaccination coverage sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sa pulong balitaan sa CHED, sinabi ni De Vera na 45.91 percent na o katumbas ng 1,839,846 ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na nabakunahan kontra COVID-19 na bunga ng mabilis na deployment ng COVID-19 vaccines.

Umakyat na rin sa 82.45 percent o 239,431 Higher Education Institutions personnel ang nabakunahan


Kaugnay naman sa isinasagawang 3-day vaccination drive, target ng CHED na mabakunahan ang 244,064 target na tertiary students.

Hindi naman masiguro ni De Vera kung makamit ang 100 percent vaccination coverage dahil sa ilang kadahilanan.

Kabilang dito ang problema sa pag-iimbak ng vaccine sa liblib na lugar, pag-aalinlangan ng mga estudyante dahil sa religious beliefs at dahilan ng ilan, wala namang COVID sa kanilang lugar.

Facebook Comments