Bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, tumataas — DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na tumataas ang kaso ng mga estudyanteng nagpapakamatay at nagtatangkang magpakamatay.

Ayon sa DepEd, 254 kaso ng suicide ang naitala sa school year 2023-2024, kung saan mas mataas ito kaysa sa 198 cases noong nakaraang taon, at 138 noong 2022.

Umaabot naman sa 1,492 ang bilang ng mga batang nasasangkot sa ‘attempted suicide’ sa kasalukuyang school year, mula sa 941 noong 2023, at 519 noong 2022.


Nanindigan naman ang DepEd na malaking tulong ang pagkakapasa sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act para maiwasan na ang mga katulad na insidente.

Nakapaloob kasi sa bagong batas ang pagbihis sa mga guidance office bilang ‘care centers’, at paglalagay ng mental health center sa mga schools division office.

Facebook Comments