Pumalo na sa 18,901,373 ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.
Batay ito sa huling tala ng Department of Education (DepEd) hanggang nitong September 7.
Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021 kung saan 13,398,597 ang nakapag-enroll sa public school habang 925,961 sa private school.
Nasa 19,488 naman ang enrollees sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs)
Pinakamaraming nakapag-enroll ay sa Region 4-A na may 2,736,301; Region 3 na may 1,945,739, at National Capital Region (NCR) na may 1,869,853 enrollees.
Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.
Facebook Comments