Higit 4.2 million na estudyante ang nakarehistro na para sa paparating na School Year (SY) 2021-2022.
Batay sa Early Registration Monitoring Report ng Department of Education (DepEd) mula nitong May 3, aabot na sa 4,254,141 learners sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 ang nakarehistro para sa nalalapit na school year sa buong bansa.
Marami ang nagparehistro sa Calabarzon na may 427,583, Region 7 na may 394,262, at Region 6 na may 362,063.
Ang Early Registration ay magtatagal hanggang katapusan ng Mayo para bigyan ng panahon ang mga magulang o guardian para maiparehistro ang kanilang mga anak.
Ang DepEd ay nagpapatupad ng remote application sa pamamagitan ng online o text.
Facebook Comments