Bumaba na ang bilang ng mga evacuees sa 2,019 na mga evacuation center matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 92,344 pamilya o 372,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center habang 75,052 pamilya o 258,700 indibidwal ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Nasa kabuuang 782,475 na pamilya o 3,047,477 indibidwal mula sa 5,155 barangays ang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga matinding napinsala ng bagyo ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Caraga.
Aabot din sa 200,245 kabahayan ang nasira ng Typhoon Odette kung saan 71,139 ang totally damaged habang 129,106 ang partially damaged.
Umaabot na rin sa P70.3 million na humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga biktima ng bagyo.