Inanunsyo ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nabawasan na ang bilang ng mga evacuees na naapektuhan ng sama ng panahon sa bansa.
Sa ulat ng NDRRMC, mula sa mahigit 152 libong mga indibidwal kahapon, bumaba na ito sa 108 libong mga indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 557 evacuation centers sa 13 na rehiyon sa bansa.
Sa kabuuan, iniulat din ng NDRRMC na pumalo pa sa 4.8 million ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, Bagyong Butchoy at Carina katumbas ito ng 1.3 million families affected.
Samantala, nadagdagan pa ang bilang ng mga naiulat na nasawi dahil sa epekto ng sama ng panahon.
Ayon sa NDRRMC, 39 na ang nasawi kung saan 14 dito ang kumpirmado habang 25 naman ang for validation pa.