
Pumalo na sa 6,518 pamilya o katumbas ng 23,119 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center sa Lungsod ng Quezon.
Mula ang bilang na ito sa mahigit 100 evacuation center na itinalaga ng lokal na pamahalaan.
Isa sa mga evacuation center na may pinakamalaking bilang ng evacuees ay ang San Francisco High School na may mahigit 1,000 indibidwal.
Samantala, patuloy na pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa paglikas laban sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kanilang mga komunidad.
Facebook Comments









