Bilang ng mga firecracker related injuries, tumaas pa

Tumaas pa ang bilang ng firecracker-related injuries.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III – umabot na sa 46 ang mga nasugatan sa paputok.

Pinakamaraming naitala sa National Capital Region (18 cases), sumunod ang Ilocos Region (4), habang may tig-limang kaso ang Cagayan Valley, Calabarzon, at Bicol Region.


Dagdag pa ng kalihim – hindi magandang senyales ito dahil posibleng mapantayan nito o mahigitan pa ang naitalang datos nitong 2018.

Ang mga kadalasang nagdudulot ng firecracker injury ay boga, kwitis, lusis, piccolo, triangulo, at five star.

Nitong December 21, naka-code white na ang lahat ng hospital para matugunan ang mga masusugatan ng paputok.

Sa ilalim ng code white, lahat ng hospital staffs ay naka-on call status.

Facebook Comments