Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 200,000 indibidwal ang nabigyan na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos ng National Immunization Program- Isabela Integrated Provincial Health Office na inilabas ngayong araw, Oktubre 27, 2021, nasa 205, 269 katao na ang nabakunahan ng 2nd dose ng covid-19 vaccine.
Nasa 315,136 naman o katumbas ng 20.2 porsiyento ang nabakunahan na ng first dose.
Umaabot naman sa 28.8 porsiyento ang nabigyan ng anti-COVID-19 vaccines mula sa 1,090, 443 na target mabakunahan sa buong probinsya.
Mula sa bilang ng mga nabakunahan sa Lalawigan, 99.8 porsiyento na ang fully vaccinated sa A1 priority; 71.6 porsyento sa A2 priority group; 89.6 porsyento sa A3; 92.4 porsyento sa A4 habang nasa 12.2 porsiyento sa A5 priority group.
Sa mga naturang datos, hindi pa kabilang rito ang vaccination report ng Santiago City.