Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na ang sinabing tatlong milyong drug users sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ay para sa kalakhang-Maynila pa lamang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – aabot sa pitong milyon ang gumagamit ng ilegal na droga sa buong bansa.
Wala rin silang sinabi kung nabawasan o nadagdagan ang bilang ng mga gumagamit ng ilegal ng droga.
Aminado naman ang Philippine National Police (PNP) na wala silang eksaktong datos kung gaano karami ang gumagamit ng ilegal na droga sa bansa.
Nakabase lamang ang PNP sa mga datos, kabilang ang mga nasasawi at naaaresto mula sa kanilang mga anti-illegal drug operations.
Sa pinakahuling tala ng PNP, nasa 5,176 na ang namatay sa mga operasyon at halos 600 na ang mga kawani ng gobyerno ang naaresto.