Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 cases sa bansa, mahigit 1.2 million na

35

Umaabot na sa 1,214,454 ang kabuuang gumaling sa bansa sa COVID-19.

Ito ay matapos madagdagan ngayong araw ng 4,504 na bagong recoveries.


7,485 naman ang bagong kaso habang 122 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,293,687 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

56,921 naman ang aktibong kaso habang 22,312 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments