Pumalo na sa 11,618 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dumagdag sa bilang ang 268 na panibagong kaso.
21 naman ang naitalang nasawi na nasa 772 na.
Sa kabila nito, nadagdagan ng 145 ang mga gumaling sa sakit na umakyat na sa 2,251 recoveries.
Pinakamadami pa rin naitalang COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) na may 165 o 61%.
Sinundan ng Region 7 na may 58 o 2% habang 45 o 17% naman mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Samantala, kinumpirma ni Philippine Ambassador to United State Jose Manuel Romualdez na umabot na sa 253 na mga Pilipinong naninirahan sa Amerika at Caribbean Region ang tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 137 rito ang nasawi kung saan 18 ang medical frontliners.