Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng panibagong 19,630 recoveries sa COVID-19.
Dahil dito, umabot na sa 252,510 ang mga nakarekober sa sakit sa bansa.
Umakyat naman sa 304,226 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa case bulletin na DOH, 2,995 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,065.
Nasa 60 bagong nasawi naman sa COVID-19 ang naitala ng DOH, dahilan para umabot na sa 5,344 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus.
Sa ngayon, nasa 46,372 na ang total active cases sa bansa.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong limang Pilipino sa abroad sa nagpositibo ng COVID-19.
Dahil dito, umabot na sa 10,438 ang mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa sakit.
Isa naman ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa sakit na umabot na ngayon 791.
Nanananatili naman sa 6,654 ang mga Pilipino sa abroad na gumaling at 2,993 ang mga nagpapagaling.