Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa San Juan City, nadagdagan pa ng 3

Kinukonsidera parin ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na isang magagandang balita ang pagkakaroon ng tatlong pasyente na gumaling na sa sakit ng dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Kaya naman umakyat na ang bilang nito sa 40, batay sa pinakabagong tala ng City Health Office (CHO) ng San Juan.

Maliban dito, nananatili pa rin sa 34 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.


Batay sa tala ng CHO, Sa kasalukuyan meron kabuuang bilang ng 197 na confirmed cases ang nasabing lungsod at nasa 279 naman ang bilang ng suspected cases.

Kaya naman panawagan ng alkalde sa kanyang mga residente na patuloy lang sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force o IATF habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang mas lalong mapigilan pa ang pagkalat ng virus.

Paalala rin niya po na ang paglabas ng bahay nang walang suot na mask ay paglabag sa City Ordinance No. 27 Series of 2020 at may mga karampatang parusa po sa mga lalabag.

Facebook Comments