Bilang ng mga health worker sa bansa, nabawasan pa

Nabawasan pa ng bilang ng mga health worker sa bansa sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Batay sa datos mula Hulyo hanggang Agosto ay umabot sa 830,000 ang nawala sa human health at social work industry.

Hindi naman ito ikinagulat ng Filipino Nurses United (FNU) dahil anila, marami ang nagreretiro dahil sa sama ng loob sa liit ng sweldo, kakulangan ng benepisyo at sa bigat ng trabaho sa panahon ng pandemya.


Sa ngayon, umakyat na sa 8.1 percent ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa mula sa 6.9 percent noong Hulyo.

Batay ito sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nangangahulugang umakyat na sa 3.88 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Agosto.

Facebook Comments