Tinatayang nasa 193,492 na ang kabuuang bilang ng mga health workers na nabigyan ng COVID-19 vaccine ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, katumbas ito ng 34% ng kalahati ng 1,125,600 doses ng COVID-19 vaccine na dumating sa bansa.
Habang ang kalahati naman ay nakalaan sa second dose ng bakuna ng mga ito.
Pinapurihan din ni Duque ang Metro Manila sa tagumpay nito sa panghihikayat sa mga medical workers kung saan 70% na ng unang dose ng bakuna ang kanilang naipamahagi.
Samantala, ayon pa sa DOH, 90% ng dumating na COVID-19 vaccines ay naipamahagi na sa ilang vaccinations site sa bansa.
Facebook Comments