Bilang ng mga healthcare worker na nabigyan ng booster shot laban sa COVID-19, halos 2,500 na!

Umabot na sa 2,488 na mga healthcare worker ang nabigyan ng booster shot laban sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kaya inuna ang mga healthcare worker dahil na rin sa kanilang exposure sa COVID-19.

Aniya, kabilang din sa mga unang nabigyan ng booster shot ang mga janitor at mga guard na nagtatrabaho sa mga ospital.


Kasabay nito, nilinaw ni Cabotaje na bagama’t bumababa ang efficacy rate ng mga bakuna pagkatapos ng anim na buwan ay hindi ibig sabihin na mawawala na ang immunity ng mga nabigyan na ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments