Bilang ng mga healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, halos 13,000 na

Umabot na sa halos 13,000 ang bilang ng healthcare workers sa buong bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Sa inilabas na datos ng COVID-19 Philippine situationer ng Department of Health (DOH), simula ng magsimula ang pandemya nasa 12,924 na mga healthcare workers ang nagkaroon ng virus.

Pumalo naman sa 12,636 ang bilang ng mga health workers na nakarekober sa COVID-19 habang nananatili naman sa 76 ang bilang ng nasawi.


Ayon sa DOH, bumaba na sa 212 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, 113 dito ay mild cases, 67 ang asymptomatic, 17 ang severe condition, 4 ang moderate at 11 ang kritikal.

Nabatid na sa kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng mga healthcare workers ay pawang mga nurse.

Facebook Comments