Napababa na sa labintatlo (13) ang mga itinuturing na high risk na barangay sa COVID-19 pandemic mula sa kabuuang 142 barangay sa Quezon City.
Nabawasan ng isang barangay mula sa 14 ang may pinakamaraming active cases ng COVID-19.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga high risk barangays ay ang Pinyahan Philam, San Jose, NS Amoranto, Damar, Libis, Kalusugan, Old Capitol Site, Kristong Hari, Mariana, Aurora, San Isidro at Paligsahan.
Mula naman sa 101 moderate risk na barangay noong nakaraaang linggo, naging 99 na lang ito ngayon.
Nasa 30 barangay ang tinaguriang low risk mula sa 27.
Sa inilabas na datos ng lokal na pamahalaan, makikita umano ang pagbagal ng dami ng infections kada linggo.
Naging 7% na lang ang rate nito mula May 13, 2020.
Sa pinakahuling ulat ng City Health Department, walang naitalang nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 hanggang kagabi at nanatili ang bilang sa 182.
Nadagdagan naman ng 41 ang mga nakarekober sa sakit na may kabuuang 992 recoveries.
Sa ngayon nasa 2,265 ang confirmed cases ng COVID-19 sa QC ayon sa Department of Health (DOH) kung saan 839 ang active cases.