Bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño, lumobo pa sa halos 1.5-M — NDRRMC

Lumobo pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño phenomenon sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan pumalo na sa 1,473,527 ang mga apektadong indibidwal o katumbas ng 329,226 pamilya mula sa 2,153 barangays sa rehiyon ng MIMAROPA, Regions 6, 9, 12 at CAR.

Pinakamaraming bilang ng mga apektado ay naitala sa Region 6 o Western Visayas na may mahigit 600,000 indibidwal.


Nadagdagan na rin ang bilang ng mga siyudad at munisipalidad na nagdeklara ng state of calamity sa 34.

Ayon pa sa NDRRMC, halos ₱510 million na ang naipamahagi nilang tulong sa mga apektado kabilang ang financial, food at non-food items at hygiene kit.

Facebook Comments