Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga apektadong indibidwal bunsod nang nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 285,773 pamilya o katumbas ng mahigit ₱1.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng tagtuyot.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa 1,880 barangays sa MIMAROPA, Regions 6, 9, 12 at CARAGA.
Samantala, sa ngayon nasa kabuuang 61 probinsya, siyudad at munisipalidad ang nasa ilalim na ng state of calamity na karamihan ay nasa Region 6 o Western Visayas.
Nananatili pa rin sa ₱1.2 bilyon ang pinsala ng tag init sa sektor ng agrikultura at nasa halos 30,000 mangingisda at magsasaka na apektado ang pamumuhay.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya kung saan umabot na sa halos ₱500 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi na kinabibilangan ng financial assistance at family food packs.