Bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño, sumampa na sa mahigit kalahating milyon ayon sa NDRRMC

Sumampa na sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño.

Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa halos 107,000 families o katumbas ng 521,910 indibidwal ang naapektuhan ng tagtuyot sa bansa.

Ang mga apektadong pamilya ay mula sa 807 barangays sa tatlong pinaka naapektuhan rehiyon: Region 9 o Zamboanga Peninsula, Region 6 o Western Visayas, at MIMAROPA.


Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong rehiyon.

Samantala, umabot na sa halos ₱P500 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong inidibidwal na kinabibilangan ng financial assistance at family food packs.

Facebook Comments