Thursday, January 15, 2026

Bilang ng mga indibidwal na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, sumampa na sa mahigit 5,000

Umabot na sa 5,098 na indibidwal o 1,323 na pamilya ang apektado dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Batay ito sa huling tala na inilabas ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Management Response (DSWD – DMR).

Kung saan 4,095 na katao o 1,117 families ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

Habang 46 individuals o 15 families naman ang nakikitira sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Samantala, nasa P8.2 million na ang naipamahaging humanitarian assistance ng DSWD sa mga apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments