Bilang ng mga indibidwal na apektado ng pananalasa ng Bagyong Wilma, umabot na sa mahigit 130,000

Umakyat na sa 134,079 na indibidwal o 44,378 na pamilya ang bilang ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Wilma ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mula ang naitalang bilang sa mga ilang rehiyon sa bansa kabilang ang Region 5, 6, 7, 8, 10, Negros Island, at CARAGA.

Base sa huling ulat na inilabas ng DSWD – Disaster Response Management, 4,663 na pamliya o 14,930 ay kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.

Habang 311 o 1,055 katao naman ay nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Kaugnay nito, umabot na sa 1,747,882 pesos ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya.

Facebook Comments