Bilang ng mga indibidwal na nabakunahan na sa bansa, halos 1.4 million na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa halos 1.4 million na indibidwal ang nabakunahan sa bansa kontra COVID-19.

Ayon kay DOH Vaccine Cluster Head Undersecretary Myrna Cabotaje, 1.3 million sa naturang bilang ang nakatanggap na ng unang dose habang halos 192,000 na ang nakatanggap ng second dose.

Kinumpirma rin ni Usec. Cabotaje na umaabot na sa 3 million na mga bakuna ang nai-deliver na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Ayon sa DOH, 80% na ng healthcare workers sa bansa ang nabakunahan.

Kinumpirma rin ng DOH na makakasama na rin sa B4 vaccine priority list ang mga bilanggo o persons deprived of liberty.

Kinumpirma rin ni Usec. Cabotaje ang karagdagang Sinovac vaccines na dadating sa bansa ngayong Abril at sa Mayo.

Bukod pa aniya ito sa Pfizer vaccines na dadating din sa bansa ngayong buwan at ang 20,000 doses ng Gamaleya vaccines.

Habang ang AstraZeneca vaccines naman na gagamitin sa second dose sa mga naturukan nang indibidwal ay dadating sa Mayo o sa Hunyo.

Facebook Comments