Bilang ng mga indibidwal na nananatili ngayon sa mga evacuation center sa Mindanao dahil sa epekto ng sama ng panahon, lumobo pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na nananatili ngayon sa mga evacuation centers sa Mindanao dahil sa epekto ng habagat.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula sa mahigit 17,000 kahapon, umakyat pa ito sa 20,086 mga indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 49 na mga evacuation center sa Regions 9, 10, 11 at 12.

Samantala, nananatiling hindi madaraanan sa mga motorista ang limang kalsada sa Region 9, dalawa sa BARMM at isa sa Region 11 habang dalawang tulay rin ang unpassable.


Sa ngayon, nasa halos ₱18 milyonang naitalang pinsala ng sama ng panahon sa sektor ng agrikultura partikular sa Regions 9 at 10.

Facebook Comments