Umakyat na sa 9,000 ang bilang ng mga inilikas ng Estados Unidos mula sa Afghanistan matapos mapasakamay ng Taliban ang bansa.
Ito ay matapos na higit 3,000 na refugees pa ang kanilang inilikas mula sa Kabul airport.
Ayon sa United Nations (UN) threat assessment report, tumitindi ngayon ang tensyon sa Afghanistan dahil sa isinasagawang door-to-door visits ng Taliban fighters sa mga taong nagta-trabaho sa US NATO Forces.
Sa ngayon ay nahihirapan din sa paglikas ang mga refugees dahil sa pagsasarado ng Taliban sa ilang kalsada patungo sa Kabul airport.
Facebook Comments