Bilang ng mga insidente ng sunog, tumaas pa ngayong taon

Tumaas ang bilang ng insidente ng sunog ngayong 2019.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 16,531 sunog ang naitala nila sa buong bansa 2 Linggo bago matapos ang taon, mas mataas ito ng 16,223 sunog kumpara sa nakaraang taon.

Ayon kay BFP, Fire Insp. Gabriel Solano, ilan sa mga kadalasang sanhi ng sunog ay depektibong electrical wiring ng mga bahay at mga napabayaang bukas na kalan sa pagluluto.


Payo pa ng BFP, tiyakin na hindi sobra ang paggamit ng mga appliances at huwag iwang nakasaksak.

Bantayan din palagi ang mga niluluto at tiyakin na nakasara ang mga kalan ng maayos para walang tagas

Mainam din na gumamit na lamang ng pito upang makalikha ng ingay imbis na mga paputok para makaiwas sa sakuna.

Facebook Comments