Umaabot na ngayon sa 120 loose firearms ang isinuko ng mga residente mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Army Capt. Arvin Encinas pinakahuli rito ang sampung mga armas na iti nurn over sa 601st Infantry Brigade sa bayan ng Datu Salibo, sa Maguindanao kahapon ng umaga.
Ang naturang mga armas ay unang isinuko sa 2nd Mechanized Infantry Battalion sa pamamagitan ni Datu Salibo Mayor Norodin Salasal.
Ang mga nai-turnover na armas ay kinabibilangan ng dalawang modified caliber 7.62 sniper rifle; isang US Browning 12 gauge shotgun; isang modified caliber .30 sniper rifle; isang US 12-gauge shotgun; isang locally made M79 grenade launcher; isang locally made caliber 9mm Ingram; isang locally made 40mm M79 grenade launcher; isang caliber .30 modified mussel rifle, at isang US 12 gauge shotgun na may kasamang mga magazine at mga bala.
Noong Sabado ay abot naman sa 15 loose firearms ang isinuko ng ilang mga residente ng Datu Unsay, sa Maguindanao.
Noong Febraury 27, 2018, ay abot naman sa 88 mga high-powered firearms ang isinuko mula naman sa mga residente ng Buldon, Parang, Matanaog at Barira pawang nasa lalawigan ng Maguindanao.
Bilang ng mga isinukong armas sa Maguindanao abot na sa 120
Facebook Comments