Umaabot na sa higit 80,000 ang bilang ng mga kabataan nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 80,595 na ang kabuuang bilang ng kabataan na nabakunahan kontra COVID-19.
Base pa sa huling datos ng MHD, nasa 2,017 na kabataan ang nakatanggap na ng second dose ng nasabing bakuna.
Ikinatuwa naman ng Manila Local Government Unit ang naitalang bilang ng mga nagparehistrong kabataan kung saan umaabot na ito sa 132,271.
Patunay lang daw ito na maraming kabataan sa lungsod ng Maynila ang nais na makatanggap ng bakuna upang maging ligtas sa nakakamatay na sakit.
Tuloy naman ngayong araw ang pagbabakuna sa mga kabataan na gaganapin sa anim na district hospital at 18 paaralan sa lungsod na may tig-1,000 doses ng bakuna kung saan magsisimula ito ng alas-7:00 ng umaga at magtatapos ng alas-4:00 ng hapon.