Bilang ng mga kabataan na nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila, nasa halos 30,000 na

Umaabot na sa halos 30,000 ang bilang ng mga kabataan na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 29,515 ang kabuuang bilang ng kabataan na naturukan na ng nasabing bakuna.

Nabatid na kahapon ay umabot sa 4,018 ang bilang ng nabakunahang kabataan kung saan nasa 75,186 naman ang bilang ng mga menor de edad na nagpa-rehistro na pawang mga residente sa lungsod ng Maynila.


Ngayong araw ay muling magpapatuloy ang pagbabakuna sa mga kabataan na gagawin sa apat na mall na may tig-750 doses habang tig-500 doses naman sa anim na district hospital.

Paalala ng MHD na magdala naman ng mga dokumento tulad ng ID o birth certificate kung saan isa lang din ang pwedeng kasama ng mga menor de edad kung sila ay magtutungo sa mga lugar ng bakunahan.

Facebook Comments