Bilang ng mga kabataan na naturukan ng second dose ng COVID vaccine sa Maynila, nasa halos 50,000 na

Halos nasa 50,000 na ang bilang ng mga menor de edad sa lungsod ng Maynila na nakatanggap ng kanilang second dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa datos ng Manila Health Department, nasa 49,754 na mga kabataan nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naturukan na ng second dose.

Nasa 106,817 naman ang nabakunahan ng frist dose kung saan kabilang sila sa 2,905,351 na kabuuang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan sa buong lungsod ng Maynila.


Bukod dito, pumalo na 54,276 ang bilang ng mga indibidwal na kasama sa A1 hanggang A3 priority group na nabakunahan ng booster shots.

Ngayong araw ay wala munang gagawing pagbabakuna sa mga kabataan pero tuloy-tuloy ang gagawing first at second dose vaccination kasabay ng booster shot sa mga kabilang sa A1 hanggang A5 priotity group.

Gagawin ito sa 45 health centers, 6 na district hospitals, 4 na mall, 12 eskwelahan at drive-thru vaccination sites.

Facebook Comments