Bilang ng mga kabataang apektado ng COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa 318

17

Tumaas ang bilang ng mga kabataan na nahahawa ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, pinuno ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula August 1 hanggang August 7 ay pumalo sa 318 ang nahahawahan ng COVID-19 sa mga nasa aged group na 17 years old pababa kung ikukumpara noong July 25.

Umabot naman sa 141 ang bilang ng mga nasa edad na sampung taong gulang na apektado ng COVID-19.


Karamihan sa mga ito ay nasa HOPE Facility kasama ang kanilang mga magulang na nagpositibo rin sa COVID-19.

Nasawi naman ang isang dalawang taong gulang na bata dahil sa COVID-19 noong July 13 dahil sa kumplikasyon sa acquired immunity pneumonia.

Facebook Comments