Tumaas pa ng 30% ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bata kasabay ng patuloy na banta ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), tumaas ng 29.59% mula sa 7,993 ang mga kabataang nahawaan ng virus na nasa edad 17 pababa, na ginanap mula sa July 7 hanggang July 20.
Mula ito sa 10,358 na naitala mula nitong July 21 hanggang August 3.
Ang pagtaas ay nangyari sa mga panahong unang na-detect ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas na maituturing na 50% na nakakahawa kumpara sa ibang variant.
Nitong ika-3 Agosto, sa kabuuang 6,879 kasong naitala sa bansa, 10.78% o 742 dito ay mga kabataang edad 17 pababa.
Sa nasabing tala, 21 cases ay mga sanggol; 52 ang isang taong-gulang; 20 ang dalawang taong gulang; at 28 ang talong taong gulang.
Sa ngayon paliwanag ni Dr. Jocelyn Eusebio, chief of Philippine Pediatric Society, bagama’t hindi dapat ikabahala ang mga datos dahil mayroong matibay na resistensiya ang mga kabataan, nananatili pa rin silang mahina laban sa sakit.