Bilang ng mga kabataang tinamaan ng COVID-19, bahagyang tumaas noong nakaraang buwan

Bahagyang tumaas ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa mga edad limang taong gulang noong nakaraaang buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umabot sa 37 percent o 632 ang naitalang kaso ng COVID sa nasabing age group nitong Enero 24 hanggang 30, 2022.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 554 na kaso noong peak ng Delta case noong Setyembre 2021.


Iginiit naman ni Vergeire na walang kailangang ipag-alala kaugnay nito dahil magsisimula na ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11 sa Pebrero 4.

Hindi rin dapat aniya ito maging dahilan para pagbawalan ang mga bata na lumabas ng bahay sa ilalim ng umiiral na Alert Level 2.

Sa tala ng DOH, umabot na sa 6.28 million na kabataan na edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments