Umabot na sa mahigit 48,000 kabataan ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, halos sampung porsyento ng kabuuang kaso ng sakit sa bansa ay mga bata.
Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 delta variant at iba pang variant sa bansa.
Bagama’t kasi malakas ang resistensya ng mga bata sa COVID-19 at karaniwang nakararanas lamang ng mild symptoms tulad ng lagnat at sipon, maaari namang makaranas ng malalang sintomas ang mga batang may karamdaman.
Kabilang dito ang mga sakit tulad ng; sakit sa puso, bato, cancer, hika, neurologic disorders, diabetes, obesity o katabaan maging ang mga edad isa pababa.
Facebook Comments