Thursday, January 22, 2026

Bilang ng mga kakasuhan ng DILG dahil sa umano’y dayaan sa proseso ng pagbi-bid sa BFP, aabot na sa 40 opisyal

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Jonvic Remulla na aabot sa 40 opisyal kabilang ang mag retirado ang kakasuhan ng tanggapan kaugnay ng umano’y dayaan sa proseso ng procurement sa Bureau of Fire and Protection (BFP).

Ayon kay Remulla, halos tapos na ang case build up at inaasahang maipa-file na ito sa Ombudsman sa susunod na linggo.

Aniya sa kanilang pagchecheck sa nakalipas na 20 taon, nagkaroon ng collusion sa bid process ng BFP kung saan naging “very restrictive” sa 2 suppliers lang ang nakinabang sa loob ng 25 taon.

Ayon pa kay Remulla , konektado ang mga nasabing suppliers sa mga opisyal kung kaya’t naging organized crime syndicate na sa loob ng BFP.

Kaugnay nito, inilunsad ng DILG ngayong linggo ang mga body cameras para sa mga fire inspectors para mapuksa ang korapsyon sa nasabing ahensya.

Facebook Comments